Entries for November, 2007

November 3rd, 2007

Pasasalamat

Dear Lord,

Ang tagal na rin nating hindi nag-usap, noh? Lagi naman po kayong nandyan, handang-handa makinig. Pero ako, asan? Kung saan-saan, kung sino-sino tinatakbuhan para makatakas sa problema. Tama po ba yun, takasan daw ba ang problema?

Mmm, bakit nga po kaya ako napasulat ngayon? Gusto ko lang i-update ang blog ko? Hindi po ah. Oh sige, gusto ko nga po yun. Pero syempre marami naman pong ibang topic na pwede kong isulat dito, di po ba? Wala na akong maisip na ibang isusulat? Hindi rin po. Kahit paano naman ay napagtanto ko po sa sarili kong kailangan ko nang lumapit sa inyo. Dahil wala na rin po akong ibang malalapitan. Dahil sa inyo at inyo rin po ako babalik ano man mangyari. Napapanahon na po para sa akin na bumalik sa inyo, pagkatapos kong magpakalayo-layo sa inyo sa sem na ito. Naririnig ko naman po tawag nyo eh. Ngayon ko po sasagutin ang inyong tawag.

Matagal-tagal ko rin pong pinagpaliban ang sulat kong ito. Nung Martes pa po dapat ito eh. Sa araw na iyon, hindi ko pa po lubos na masabi sa inyo ang pasasalamat ko. Dahil wala pong salita na lumalabas sa aking mga daliri na syang magta-type ng gusto kong sabihin sana, sa ibang bagay ko na lamang po binuhos ang oras ko.

Kelan po ba ang huling beses na nagdasal ako? Sa simula ng first sem, hindi ko pa po ata kayo nabulungan ng pagsamba, ni pasasalamat, ni kausapin kayo hindi ko ata nagawa. At kelan ko lang po ulit kayo nakausap? Nung Martes. Tensyonadong tensyonado po ako sa araw na iyon. Hindi ko po masabi kung pinaparusahan nyo ba ako non, o sinusubukan lamang ang paninindigan at paniniwala ko sa inyo sa ikalawang pagkakataon.

Ang una ay nung 2nd sem, sa pagpre-rog ko sa LTS 1. Hindi naging madali iyon. Tiyaga, tibay ng loob, at pasensya kinailangan don para makuha ko ang subject na iyon. Maraming salamat po at hindi nyo ako kinalimutan. Sa halip, inuna nyo pa ako at agad tinatak sa aking puso ang mga bagay na ito. Kaya naman ngayon, tapos ko na rin ang LTS 2.

Nung Martes, sa pagkakataong iyon... hindi ko na masabi kung gaano ang pasasalamat ko. Napakatensyonadong araw iyon para sa akin. Sa araw na iyon ko nalaman ang resulta ng removal exam ko.

Sa pagpasok ko sa faculty room ng MB, malumanay kong hiningi sa guro ang blue book ko. Bago ko mahawakan iyon, halos pigilin ko ang paghinga ko. At ng makita ko ang pulang marka, hindi ko na napigilan pa ang pagpigil ko ng paghinga. Sa halip na carbon dioxide lamang ang ilabas ko, may halo pang mura na pabulong kong sinambit.

Ano nang nangyari sa akin? Hindi naman ako nagmumura po di ba? Ngayon napapadalas na naman ang kalokohan ko. Unang pruweba na dyan ang pagkaka-kwatro ko sa Math. Kamusta naman. Eh kung pinapasa ko ba naman ang mga exam ko, edi sana wala nang makapigil hiningang removal di ba.

Ngunit hindi. Nagloko ako, inaamin ko. Sa halip na seryosohin ang pag-aaral, umasa ako sa partial points. Anong kinahinatnan ng mga inaasam kong partial points? Kakapiranggot na grado na hindi naman makalapit-lapit sa pasang awa man lamang. Di na kataka-taka ang aking muntik nang pagbagsak, noh?

Singkong singko na eh, ika nga. Nabagsak ko na ang isang removal exam. Hindi ba dapat umalis na ako at harapin ang mundo at aminin sa mga tao, at lalo na sa aking sarili, ang nangyari? Ngunit hindi. Napahinto ako sa pwestong iyon, pinipigil ang sarili sa pagmumura.

Trenta minutos na pagtingin-tingin sa blue book, umaasang may corrections, at baka sakaling maipasang awa ko pa ang sarili ko. Matapos ang trenta minutos na pagkakataranta, binigyan nyo ko ng huling pagkakataon na makabawi. Maitama sana ang mali, at ayusin ang buhay.

Dito nagsimula ang bagong buhay ko.

Ang laki ng dapat kong ipagpasalamat, Lord. Grabe ang bait nyo lang. Hinding hindi nyo ako pinabayaan. Maraming maraming salamat. MAHAL NA MAHAL KO KAYO, LORD.

Napakaraming bagay lamang ang nangyari sa semestreng ito. Pero sa pagtatapos ng sem, bitin pa rin ang pakiramdam ko. Bakit?

Nagtanong pa ako. Andun na naman ako sa puntong iyon na naghahanap ng taong hindi nyo pa naman pinapakilala sa akin. Nagdaramdam sa status na hindi naman talaga dapat dinadramahan. Sa halip, dapat pang ipagpasalamat. Ika nga ni Joshua Harris, as we search for the right person, we must first become the RIGHT PERSONS ourselves. Oo nga naman. How can I deserve the RIGHT ONE if I, myself, am an example of the WRONG ONE?

Lord, hindi ko na alam. Hindi ko na naman po alam. Pasensya po. Ganito nararamdaman ko eh. Bitin talaga. Iniisp ko rin po syempre, ano nga bang dapat kong idasal sa inyo. Sana makilala ko na sya? Sana sya na lang? Sana yun plano nyo na lang matupad dahil sigurado akong ikabubuti ko yon?

Nung una, ang dasal ko pa ay makilala sya. Pero sa mga nagdaang araw naririnig ko na ang sarili kong nagmamaktol at nagmamakaawang sana sya na lang. Ano nang nangyari? San na yun plano? Ina-assume ko ba at pinapakelaman ang magagandang plano nyo sa akin? Tama pa ba ang dinadasal ko? Let your will be done, and not ours.

Lord, alam naman natin ang dami-dami kong utang sa'yo. Ang daming pasasalamat na ang utang ko sa iyo. Huwag na muna natin isa-isahin. Mapapahaba lamang ito. At meron at meron din naman akong makakaligtaan.

Maraming salamat hindi nyo po ako pinabayaan. Kahit kailan. Kahit anong pagpapasaway ko sa inyo. Ang lakas ko rin sa inyo, noh? Pero hindi. Ganun nyo lang talaga ako kamahal. At ganun lang din kalakas ang paninindigan ko sa inyo, sa mga pangako nyo.

Ang galing ko. Opo, totoo yon. Pero kayo at kayo rin ang nagpapagaling sa akin. Kung wala kayo, san kaya ako pupulutin? Wala rin naman po akong magagawa kung hindi dahil sa inyo eh.

Natapos na ang sem. Nalampasan ko sya, pero hindi ganon kadali. Gayunpaman, nag-survive ako. Narito pa rin ako, lumalaban. Simula pa lamang ito. Mas marami pa akong pagdadaanan po, alam ko. Mas mahirap pa ang dadanasin. Baka nga hindi ko po kayanin eh. Hindi ko nga po makakaya kung wala kayo.

Sabi po nila ang tao nagdadasal lang pag may kailangan. Napatunayan ko na po sa sarili ko ang kasabihang ito. Pero kung tutuusin, hindi ko rin po masabing nagdasal ako nang mga panahong yon. Pananampalataya--yan ang sandata ko po. Hindi ko na kinailangan magdasal, pero nagtiwala po ako. Marami na rin po akong pagkukulang. Pero mula nung third year ko po sa HS, hindi na humina ang loob ko, ang pananampalataya ko sa inyo. Tiwala sa inyong mga pangako. Hindi ko man po narinig na sinabi nyo mismong ipapasa nyo ako, sinandalan ko po at pinagkatiwalaan ko po ang pangako nyong hindi nyo ako papabayaan.

MARAMING MARAMING SALAMAT, LORD.

Hanggang sa susunod na semestre po. Marami pa pong lulusungin na baha. Pero yaka yan, kahit naka-yapak pa. Dahil siguradong magbibigay kayo ng tulay na madadaanan ko.

Lubos na gumagalang,
Yahn
mood thankful
listen LP's Valentine's Day

yahn @ 01:25 AM | Book Of The Yahn [Add comment/s]



November 10th, 2007

Sem Starter: The Game Plan

A new semester is about to open once again. Whew, my sem break flew so fast, right?

New semester, new beginnings. Yes. I am to start anew, that I promised myself. The past semesters will be *a little* different from now on. It's about time that I woke up to the truth and became a little more than serious with my studies and priorities in life.

Lately, people have asked me "What are you going to do after you graduate?" And in that moment, I was blank--no answer came out of me. All I could mutter was, "I don't know." Only then did I consider such question. Only then did I question my own self, "What do I see myself to be in a few years?"

It was as if yesterday that I thought to myself, "Graduation is ten/five years away. I wouldn't bother myself yet of what I would be like by then." But now, that one memorable ending is just three years away. That fast, eh? I only felt the weight of such realization lately when I noticed how many people are waiting for my graduation: my uncle who expects me to work in his newly opened business, my parents who wonder where I would be like after graduation, my sister who seems to be expecting me to pay for her law proper education, and even cousins and other relatives who anticipate me living in Manila.

In three years, where would I be? With this question, I learned to prioritize well, and do the right thing. The moment I was able to answer this, I go back to my old, goal-oriented self: I begin now with an end in mind.

I WILL GRADUATE ON TIME. Therefore, I will graduate in exactly seven semesters, counting this sem. What else do I have in mind? I will get myself a scholarship. If not, I will work--I will be a working student. I know I have a lot of free time in my hands. I will use this wisely and make myself productive whenever I'm out of the classroom.

Time to get a little more serious this sem. STARTING THIS SEMESTER. No time to waste, no more kwatro for me anymore. And DEFINITELY NO SINGKO--that, I swear.

This will be my driving force starting this semester. Say hello to a new "me", to new habits, to a new lifestyle. I may have to sacrifice, give up maybe, the things that I love for the moment. But in the long run, I know I chose the right path, I did what's best for me, and I am happier more permanently than temporarily.

My one promise to self for the second semester: kakaririn ko ang acads. I swear!

So maybe I still have no exact plans as to what I would be like after graduation. But one thing is for sure: I will graduate on time. I will fulfill that goal, and my life will go smooth.
Tumatakbo ang oras
Naiiwan na ako ng panahon
Di na nagbago'ng bawat araw
Pare-pareho, parang kahapon...

listen The Fray's How To Save A Life
read CosmoMag Philippines - November 2007

yahn @ 05:50 PM | Book Of The Yahn [2 comment/s]



« 2007/10 | 2007/12 »