Wala na ngang pasok, pero may assignment pa rin. Pambihirang buhay naman 'to.
Nung isang araw pa ako binubulabog ng tanong na ito. Ngayon naman, tatay ko na mismo ang nagtatanong sa akin kung anong plano ko sa aking buhay. At kailangan ko pa itong gawing pormal at isulat ng detalyado para sa kanya! Sabi ko nga sa kanya: I can only see as far as three months. Ang range pa man din ng aming assignment ni ate [oo, pati sya ay damay--dapat si mama na rin eh :D] ay limang taon. Duh! Ang tagal no'n ah. Ewan ko lang, pero para sa'kin napakalawak na ng ganung pagpaplano.
Sa simbahan pa lang tinanong ko na si God, nung pasko ata yun kung di ako nagkakamali. Napagtanto ko kasing marami na palang nagbago sa'king buhay--sobrang dami na! May pagka-urong-sulong kung baga ang naging takbo na ng buhay ko. Nadaanan ko na, babalikan pa. Tapos syempre matatapos na rin ang taon. Ito na nga, dumating na ang 2009, wala pa rin akong maisagot na matino sa mind-boggling question: ANO NANG MANGYAYARI SA BUHAY KO? Ano na nga bang plano ko sa buhay ko?
Hindi na ko magbabalik-tanaw pa. Parang nung isang araw naisulat ko na yun, di ba? Pasintabi, may nakalimutan pala akong pansinin sa pagbabalik-tanaw ko ng Nobyembre nang nakaraang taon. Napakarami kong pagmumuni-muning ginawa ng mga panahong iyon. Walang kwenta, puro kalokohan. Kung ano-ano pang napagtanto ko at nabalikan ko, eh isa lang naman pinatunguhan ng lahat. The bottomline is: I'm depressed. Hindi ko matakasan ang katotohanang bumagsak ako. Masyado akong malungkot at nagsisi sa katotohanang iyon. Nagpasukan na at lahat, maaga akong nagising at pumasok sa una kong klase--my second first day in that class. How ironic. Tinatawanan ko lang sa harap ng madla, pero sa loob-loob ko ang bigat, yun na siguro ang tipong matatawag kong worst feeling in the world.
Magulo na maayos ang nakaraang taon para sa akin. Marami sa mga nahiling ko ang natupad, ang mga habits na ninais kong makasanayan ay natupad rin naman. Maayos dahil nga sa dami na rin ng pagpaplanong ginawa ko. Maayos dahil sa naisipan kong ayusin ang buhay ko even to the smallest detail. Pero magulo rin dahil sa mga setbacks na tinatawag, sa mga 'di inaasahang pangyayaring nakaapekto ng malaki sa nauna nang naplano. Ang tinutukoy ko'y mga pangyayaring taliwas pa nga sa iniisip ko.
Ayan, napamuni-muni na naman ako. Nagbalik-tanaw ng mga nangyari na. Nakakasawa na kasi. Just makes you feel how much older you really are. Kamusta naman ang ganung pakiramdam 'di ba? Ang dami na rin palang nangyari. Marami pa nga kayang pwedeng mangyari? Paminsan paulit-ulit rin lang naman ang kwento ng buhay. Iba't-ibang tao, iba't-ibang sitwasyon--pero sa huli magkakapareho rin lang ng damdamin, saloobin at kalutasan. Buhay nga naman, parang gulong lang, paulit-ulit lang rin.
Sige, balikan natin ang orihinal na tanong. Ano na nga bang mangyayari sa buhay ko ngayon? Komento nga sa'kin minsan, masaya naman maging spontaneous at magpadala lang sa agos ng pagbabago.; pero syempre mas makakabuti pa rin ang pagpapaplano nang sa gayon makita kung saan ang patutunguhan. Yun rin lang naman ang punto ng aking ama sa pinapagawa nya sa amin eh: ang malaman ang patutunguhan namin. Eh, ano na nga bang gusto kong patunguhan ng buhay ko?
Payo nga sa'kin ni ninang, always come up with plan B. Dapat laging may back up plan. Hindi nga naman kasi lahat ng plano ay masusunod, dahil sa simpleng dahilan na hindi naman talaga tayo ang may kontrol sa mga bagay. Diyos lamang ang nakakagawa nun--ang magplano at maisakatuparan ang mga iyon. Napagtanto ko na rin ito dati at ngayon namalayan kong ganito na nga mismo ang ginawa ko. Nung una hindi ko pa ito naisip gawin--yun plan B kasing naisip ko nun eh sa totoo lang di ko rin naman inasahan na maisasakatuparan, kaya kinalimutan ko rin agad. Pero sa pangalawang pagkakataon, naitama ko na mali ko at hinanda na ang sarili ko sa masaklap na katotohanan.
Plano, plano, plano. Ano nang plano? Ano pang pwedeng maiplano sa buhay na ito? Ano pang pwedeng mangyari? Ano ba talagang gusto ko sa huli? Ano nang direksyon ang tatahakin ko? Ano na ba talagang mangyayari sa'kin ngayon?
Dating scene. Ayun na. Ang matagal-tagal ko na ring iniindang aspeto ng buhay ko. Katarayan ko nga rin naman kasi. Pero sa kabilang banda, may mga dumating rin namang pagkakataon ah. Hindi ko alam kung bakit tinalikuran ko ang mga pagkakataong ito--wala akong maibigay na konkretong dahilan maliban sa prangka kong sagot na ayaw ko. Ayoko lang talaga--tapos. Ngayon haharapin ko na sya at 'di na magpapaligoy-ligoy pa. Panahon ko na nga kaya? Kailangan ko na kayang gumawa ng paraan, maghintay pa rin, o ano? Yun na nga kaya ang hinahanap kong pagbabago--ang gumawa ng paraan kaysa maghintay gaya ng dati?
Hindi naman talaga ito ang balak kong talakayin sa sulating ito. Pero paano naman kaya kung ito talaga yun naiisip kong planuhin para sa sarili ko sa taong ito? Kamusta na lang sa ipapasa kong homework sa ama ko, aba!
Aha! Alam ko na. Sabi nga ng kaibigan ko, you lose yourself in a relationship. Para kasing iba yun daily routines kapag may nobyo, iba rin kapag wala. Mabuti na lang single ako last year: I was able to focus on honing my time management skills. Natuto akong magplano, plano, plano--tapos masanay sa magagandang habits.
Kaya naman sa taong ito, napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang mga habits ko last year, magdagdag pa at isakatuparan na for real yun mga nabasura nang nakaraang taon. Ang mahirap kasi sa one time, big time goals eh madali ko silang pagsawaan--madaling magbago isip ko. Minsan pag andyan na yun pagkakataon, mabibigla na lang ako na ginusto ko pala ang mga ganung bagay, at sa huli ay tatalikuran ko rin naman kasi hindi ko ito lubusang ginusto... ni wala man lang sense of fulfillment. Kaya naman ako naging spontaneous--masaya na ako sa anumang dumating sa buhay ko.
Ganun na nga ang gagawin ko: pagplanuhan pang maigi ang mga maaasahan, at hayaan na lamang dumating ang tinaguriang life's little surprises. At kasama na siguro dun ang pag-ibig, kaibigan, pati na mga inuman.
Sa susunod ko na lamang idedetalye ang tinutukoy ko. Maraming salamat, kahit paano'y naliwanagan ako. Ngayon alam ko na mga mangyayari pang susunod. ^-^
yahn @ 11:51 PM | Book Of The Yahn [Add comment/s]