Entries for April, 2009

April 3rd, 2009

The Good Sem

Kung dati ang sabi ko 'pasado na, babagsak pa ata,' well, ibahin mo 'ko ngayon. Aba, biruin mo ba namang ang failing standing in the middle of the sem, naisalba pa at pumasa ng bonggang-bonggang 2.75! Cheers!

Kaya nga naman nitong nakaraang dalawang araw ay naubos ng matindihan ang aking pera. Ang humigit kumulang isang libo ay nalagas sa tatlong daan na lamang. Gayunpaman, syempre tuwa ko lang. Kasama kong gumimik at magpakawalwal at magsaya ang maraming tao sa paligid ko. Oras na daw para mag-celebrate. Eh last week Thursday pa ako nagliligaya ah!

Opisyal na nagtapos ang aking sem nitong Miyerkules, sa pagkaka-release ng aming class cards sa Ethics class namin. Pagkakuha ay saka ko lamang naalala yun isa ko pang 5-unit subject kung saan ay hindi pa ako nakasama sa unang field trip dahil sa hindi ko rin alam kung bakit. Sa pagkuha ko ng card sa subject na ito ay nandilat ang aking mata sa tuwa dahil higit pa sa tres ang aking napala, na siyang normal umano.

Nakauwi na akong Biñan nung Martes, pero dapat ay nung Lunes pa kung hindi lang dahil sa meeting. Pero sakto na rin, kasi nakapag-inom ako nun--na syang malamang-lamang na gugustuhin kong gawin matapos ang maligayang sem ko. Sa bahay, nag-movie marathon ako, Taken at Slumdog Millionaire--mga palabas na matagal-tagal ko na rin gustong mapanood [The Curious Case of Benjamin Button na lamang ang kulang]. Natuwa ako sa aking mga napanood, lalo na sa Taken. Sa totoo lang, bored na bored ako sa bahay. Kaya naman kinabukasan, Miyerkules, kating-kati na ko umalis umaga pa lamang.

Kaso lang, naka-text ko nga ang mga taong maayos kong nakausap nang nakaraang linggo. Walang kwenta. May mga lakad pala kinabukasan. Katanghaliang tapat ay tinamad na ako bumyahe, ni maligo. Ngunit pamaya-maya pa'y may nagyaya ng gimik. Sa wakas--ang pinakahihintay ko! Nagmadali ako sa aking pag-iimpake at pagbibihis. Alas-sais impunto, nasa dorm na muli ako.

Kinagabihan no'n, may nagyaya na naman sa'kin. Lalabas pa lang ako ng dorm at tatapusin ang gawain ko bago gumimik eh! Edi naka-dalawang imbitasyon na ako sa gabing iyon. Pagdating ko na naman sa White House para matapos na nga ang kailangan kong gawin, aba pati doon ay biglang nagkayayaan! Aba, saan ang punta ko nito? Eh ang hawak nila sa harapan ko ay ang paborito kong lambanog. Hindi ko natiis, nag-videoke trip na kami sa bahay na iyon at naka-libre pa ng hapunan. Inubos ang natirang kalahating lambanog. At pamaya-maya pa'y nagkayayaan na mag-resort! Ito talaga ang isa sa mga balak ko: yun biglaang swimming at sobrang saglit lang. Pampahulas lang kung baga. Hindi man ako handang-handa, masaya akong nakasama at nakapagliwaliw ng ganun. Pagkauwi namin ay hapong-hapo kaming lahat. Sabi nga ng isa kong kasama, "Naghanap lang tayo ng sakit ng katawan." Pero aminin, ubod ng saya!

Kahapon naman, napagastos ako ng malala. Hindi ko namalayan pinatunguhan ng aking pera. Ngunit OK lang. Masaya pa rin ako. At kahit paano, alam ko may mga napasaya akong mga tao. Lalo na ang mga karamay ko sa gabi kapag ako'y hindi nag-iinom--mga taong ka-chismisan ko sa mga hindi problema ng buhay, sa mga magaan-gaang aspeto ng pagiging estudyante.

Maligaya ako sa nagdaang semestre! What a good sem this has been!

Sa kabilang dako, ako nga pala ay may bagong hamon na haharapin sa soro: pera. Ibang usapin na ito. Hindi ko pinangarap ang ganitong posisyon. Kuntento na ako pagde-design design at paghahapit ng plano. Ang pagiging Pub Com ang pinaghandaan ko--mga gawain nito ang bumabagabag sa isipan ko nung linggo ng eleksyon. Ngunit maraming plano ang nagbago. Kaya ngayon, negosasyon ang kailangan kong pagbutihin.

Kaya siguro todo na rin ang pagliligaya ko ngayon. Kung anong ligalig ko ngayon, siyang anti-social ko naman siguro sa mga susunod na semestre.

Alam ko naman sa sarili ko na hindi magpapatuloy ang ganitong mga araw ko na puro na lamang gimik pero pumapasa pa rin. Tsamba lang ang semestreng ito. Hindi ko kayang i-risk ang mga susunod pa. Hindi na lang kasi pag-aaral ko ang nakasalalay dito--pati na rin kamo ang aking soro. I'll make sure to myself that lax days will be over this summer.

Handa na ako humarap muli sa mundo.


yahn @ 08:19 PM | Book Of The Yahn [Add comment/s]



April 8th, 2009

Random Stories

Number One: My nephew and niece are visiting us this week. And I tell you, these kids are so much pain in the ass. They keep running around the house, screaming their lungs off as if they're talking to deafs, and the worse part is they never get off your back. But then again, a little [mis]adventure and disorganization in life wouldn't hurt so much. Now would it? Anyway, these kids may be naughty and mischievous, but they're all interesting as well with all their striking stories and funny comments. You know, kids say the darndest things.

Number Two: I've been with these same kids since this weekend, but in a different location of course. Last Saturday papa, sister and I spent the weekend with my cousin who's leaving the country tonight. The next day, Sunday, they both left me in Batangas with the misbehaving kids--and some drinking relatives: my cousins and a few of their friends that are easy to get-along with. Well, there goes some more of my drinking nights. @_@

Number Three: Speaking of drinking, I happen to notice just this week how often I have poisoned my system my alcohol over this semester. And I remembered that not a week went by without some liquor knocking out my liver. Well, it's a good thing though that I didn't fail any subject last semester. As a friend told me, "Seems like the alcohol did you good." Haha! Nice comment. But then, I also realize that I cannot do the same for the following semesters. I cannot risk such anymore. As I have said before, I bet I was just lucky then. Well I do hope my luck doesn't run out yet!

Number Four: My laptop has just been reformated! And not one of my files has been recovered. T_T I have so much files still to save! Particularly pictures--and there's alot, and I mean alot! Now, I've learned my lesson: back-up files often.

Oh well, I guess I have nothing more to add. These pesky kids won't let me do my thing. Toodles for now. More updates next time, when it's a little more peaceful here.


listen Picture of You by Bozyone
watch Taken

yahn @ 11:01 PM | Book Of The Yahn [Add comment/s]



« 2009/03 | 2009/05 »