June 14th, 2009

Pasukan... pa rin.

Hay pasukan na pala. Na-extend na nga ng isang linggo ang bakasyon, pero wala, I'm still not in the mood for classes. Marami-rami pa man din akong plano ngayong sem, maraming nais sana tuparin. Ito, mai-share nga, baka sakaling pag naisulat ko eh ganahan naman akong kumilos at tuparin mga pangarap ko. Sabi nga, "A goal not written is only a wish." [The 7 Habits of Highly Effective Teens, Sean Covey]

Una, gusto kong ipasa lahat ng asignatura ko. Aba, sino ba namang may ayaw di ba? Gusto ko lahat--lahat-lahat! Pero dahil sa pusta ko nun isang araw lamang, na siyang nagpapuyat sa akin hanggang alas kwatro ng madaling araw kaka-chat sa'kin, eh eto. Pangarap ko na ngayon makakuha ng mataas na marka sa EE 12 at EE 18 na syang mga pinakamadudugo kong subject ngayong sem. Ang pusta lang naman ay pumasa sa mga asignaturang ito. Pero dahil ako 'to, at kailangang kailangan ko talaga syang ipasa, hinahamon ko ngayon ang aking sarili para iangat sa dos ang grado ko sa mga ito. Aba eh sana nga kayanin ko. Palagay ko rin kasi, kung pagpupursigihan ko ang ganun man kataas eh mas malaki ang chance kong ipasa iyon at sumaya ako kahit hindi ko talaga sya na-uno o na-dos. Basta sa ngayon ang pinakaplano ko ay makapag-OJT next summer. At ito ang unang hakbang para matupad iyon: makapasa sa mga pre-req on time.

Pangalawa, nais ko nang pumayat. Seryoso. Ngayon-ngayon ko lamang napagtanto ang laki ng ipinayat ko nun tumapak ko sa kolehiyo, nung NF pa ako. Pero simula ng magbakasyon ako sa Batangas dahil sa pesteng Milenyo na yan, eto ako ngayon: nananaba ng nananaba kakakain, nahihiyang sa regular na lakaran sa LB. Gusto ko na talaga magseryoso sa diet at exercise na ito! Parang awa, sana matupad na!

Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko ng malaking pagbabago sa buhay ko. Ang pagpayat ko, manipestasyon na lamang iyan ng kung anuman gagawin ko para makita yun pagbabago sa buhay ko. Kumbaga, I want to see a drastic change in my life--I want to see it! Pero not exactly na nakikita ko ang sarili kong gumagawa ng pagbabago. Nakuha mo yun diperensya?

Sa kabilang banda, ilan pa rin sa mga naisip kong nais ko sanang matupad para sa aking sarili, sa lalong madaling panahon rin sana, ay ang tapusin basahin ang mga nakatiwangwang pang mga libro sa study table ko sa bahay. Mga akda ni Paulo Coelho, Nicholas Sparks at Amy Tan, nakaplastik pa nga ang mga ito--halatang hindi pa nagagalaw simula ng bilhin. Di bale, nitong taon ko lang rin naman sila nabili, wala pa namang isang taon sa'kin. Yun Huckleberry Finn nga mahigit kumulang anim na taon rin ata ang inabot bago ko unang matapos basahin eh. Lagi kasi akong nawawalan ng oras magbasa, tinatamad bigla, kaya hanggang mga unang kabanata lamang ako.

Isa pa ay ang pagkatuto kong magluto. Kanina lamang ay nagpatulong ako magluto ng champorado. Buti na lang madali pa sya. Inaalala ko nga rin nitong mga nakaraan yun mga naituro sa akin dati eh, gaya ng tinola at nilaga. Madali lang rin naman. Ang dapat lang naman tandaan ay mga sahog ng alin, at kung kailan na dapat isahog nang hindi naman masunog ang mga kasangkapan. Ang crucial sa mga ganitong ulam ay ang tansyahan at pampalasa, na syang hindi ko pa gamay. Konting praktis pa at masasanay rin ako.

Ang isa pa ay ang pagmamaneho ko. Dapat lamang matuto na ko aba! Next summer I better be able to drive myself to work. Iyan ang pangarap ko: makapagmaneho sa labas ng aming distrito. Hindi ko naman ninanais sa Maynila, pero kahit dito lang naman sa Sta. Rosa o kahit sa Calamba eh maigi na sa'kin. Magamit ko nga naman ang aking lisensya... na syang malapit na mag-expire.

Ang dalawa pa ay pagkatuto ko ng French language at pag-piano. Nais kong balikan angmga ito at magamay ulit. Hay, kelan nga kaya? Sa ngayon alam kong hindi pa kaya. Dahil ang focus ko ay nasa akademiko na.

Hay pasukan. Bakit kailangan pang mag-aral? Nawa'y maganda ang kalabasan ng taong ito para sa ating lahat.

Pagpalain tayong lahat!


watch Criminal Minds

yahn @ 10:44 PM | Book Of The Yahn [Add comment/s]



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: